The Sibuyas Sad Story

Medyo may konting drama ang umaga na’to. Madilim ang paligid. Balot sa nakabibinging katahimikan. Dinig kong pag-tama ng hangin sa paligid ng aking ilong (Malaki-laki yun, so malamang rinig ko talaga!) Ramdam kong konti na lang ang oras. Mahirap man pero kelangan ko ng maisakatuparan ‘to. Marahan kong hinugot ang patalim sa tauban ng pinggan.

Walang anu-ano’y dagli ko syang inundayan ng sak-sak. Nanggigigil ako!! Nakalimutan kong ibig sabihin ng awa. Isa!-dalawa!-tatlo!..hinde ko na nabilang kung ilang ulet ko syang tinad-tad. Sinagad kong pag-indayog ng talim ng kutsilyo sa kanyang gula-gulanit na laman. Hanggang sa naramdaman kong pagod at ang butil ng luha na kusang dumaloy sa kanan kong pisngi! Pinigil kong hingal habang basang-basa sa magkahalong pawis at luha.

Alam kong hinde ngayon ang akmang panahon para mag-sisi. kelangan ko nang tumakbo palayo. Wala nang oras… dahil… dahil… nasusunog na yung BAWANGGGG sa kawali! Potah! Ngayon ko pa lang hinihiwa yung sibuyas para igisa yung pasabog na Karne-Norteng agahan namin! =))

Sa panahon ngayon, paghihiwa na lang ng Sibuyas ang nagpapa-iyak sa’kin at hinde na ang pilgrimage na biyahe mula Burol ng Taguig hanggang sa Bukirin ng Malolos. Salamat sa mga kumupkop sakin sa munting tahanan na ‘to. Mababawi ko nang 13-hours na Tulog ko. *Burp!* =))

'Medyo may konting drama ang umaga na'to. Madilim ang paligid. Balot sa nakabibinging katahimikan. Dinig kong pag-tama ng hangin sa paligid ng aking ilong (Malaki-laki yun, so malamang rinig ko talaga!) Ramdam kong konti na lang ang oras. Mahirap man pero kelangan ko ng maisakatuparan 'to. Marahan kong hinugot ang patalim sa tauban ng pinggan. 

Walang anu-ano'y dagli ko syang inundayan ng sak-sak. Nanggigigil ako!! Nakalimutan kong ibig sabihin ng awa. Isa!-dalawa!-tatlo!..hinde ko na nabilang kung ilang ulet ko syang tinad-tad. Sinagad kong pag-indayog ng talim ng kutsilyo sa kanyang gula-gulanit na laman. Hanggang sa naramdaman kong pagod at ang butil ng luha na kusang dumaloy sa kanan kong pisngi! Pinigil kong hingal habang basang-basa sa magkahalong pawis at luha.

Alam kong hinde ngayon ang akmang panahon para mag-sisi. kelangan ko nang tumakbo palayo. Wala nang oras... dahil... dahil... nasusunog na yung BAWANGGGG sa kawali! Potah! Ngayon ko pa lang hinihiwa yung sibuyas para igisa yung pasabog na Karne-Norteng agahan namin! =))

Sa panahon ngayon, paghihiwa na lang ng Sibuyas ang nagpapa-iyak sa'kin at hinde na ang pilgrimage na biyahe mula Burol ng Taguig hanggang sa Bukirin ng Malolos. Salamat sa mga kumupkop sakin sa munting tahanan na 'to. Mababawi ko nang 13-hours na Tulog ko. *Burp!* =))'