Lost in Translation Part III (Adios sa buwis buhay na “Thank you for Calling..”)

All I wanted to do before was to grab that Pinoy dream of landing a Job and wearing one of those magnetic ID’s that left you breathless by automatically opening up the glass door of your big time office like magic.

upuanI was a clueless promdi who was thrilled with talking elevators and guards who speak English better than your prof. in college.
(Muntik na’ko sumuka ng dugo nung sinabi ni Guard na “Sir, Please be aware that this is an English Only Zone..” Tinatanung ko lang naman kung san yung CR. =))

I did not realize that the 4th of July would redefine the past five years of my life (emo ko leche! beer pa! hahaha).

It’s been a splendid experience spending the last half decade of my life working with you.

Especial ang mga tao na nakasalamuha ko dito gaya ng pagiging especial ko at ng especial ensaymada ng Malolos. =))

BYE (B-e with, Y-ou, E-verytime) for now. cct

————->> Eto ang maka-bagbag dam-damin kong good bye letter nung mga panahong bumukas na yung rehas ng bilangguan namin, at naghu-humiyaw na ng “freedooomm” yung diwa ko, habang binibigay yung “resignation letter” at sinasambit yung “resignation request” na minemorize ko pa sa harap ng salamin kagabi.

Sa wakas makaka-laya na ko sa buhay Call Center (Gusto ko sanang paniwalain yung sarili ko na natupad ko ‘to. hahaha)

Kung hinde mo pa nasubukang mag-trabaho sa industriyang ito, hayaan mong pasilipin kita sa kung anu-anong anik-anik ang pinagagagawa ng isang inbound agent sa isang BPO Company. Gan’to kasi yun….

“I’m sorry?” —– Mahinahon, bed-room voice at may lambing sa dulo.
Eto ang mga unang katagang nasambit ko sa telepono nung nagsisimula palang ako sa industriyang eto.
Matagal-tagal na rin yun. Mga tipong black&white pa yung mga palabas sa t.v. hahaha.

Sa trabahong ito, puno ka dapat ng emosyon!
Memorized mo ang mga shining-shimmering-splendid na empathy at assurance statements at alam mo kung kelan sila akmang gamitin.
naisi-sigaw mo sya subconciously kahit nagulat ka lang dahil nalag-lag yung ballpen mo. =))avaya

Alam mo lahat ng uri ng synonyms ng “I’m sorry”.
Sasambitin mo ‘to ng bukal sa kalooban kahit alam mong wala ka naman ni ga-buning kinalaman sa pag-taas ng bills nila,
oh pag-nguya ng P.G. nilang tuta sa kable ng modem,
oh ng password nila sa email na minu-minuto nilang nakaka-limutan (tipong kaka-reset niyo palang i-rereset mo na ulet after 10secs dahil gold fish memory si lolo).

Minsan gusto mo nalang sabihing..”Pati ba naman global warming sa’min mo isisisi sir?! Kami ba si Lord?!”
At dahil ayaw mong magdildil ng asin ang pamilya mo kapag nag-goodbye ka sa trabaho pag narinig yan ng Quality,
malam-lam mo paring sasabihing.. “Oh, I’m sure our outside lines are well secured, but severe weather conditions inevitably affect our services like any other service-providers sir, I do apologize.”
Sabay mute. Tapos… uhmmm.. mag… pe-pray syempre! hahaha.
Pray mo kay Lord na mabudburan yung kausap mo ng konting brain cells ng magka-unawaan naman kayo.

———————————————————————————–

Hinde lang isang beses nangyari ang eksenang ito:

Cust: (Halimaw mode) “That’s why we don’t have jobs here at the U.S., because you dumb heads are robbing us of that!”

Rep: (mute) “Eh pota pati ba pagiging estambay mo ibubunton mo sa’kin, kasalanan ko ba kung mas marami kaming brain-cells kesa sa’yo? anu namang kinalaman ko sa mga kasawian mo sa buhay at kelangang sa’kin mo i-buhos poot mo sa mundo? ako ba si Lord, ha?!”

(un-mute) “I see the light on your point sir, and I share the emotions, although much as I would love to indulge myself with matters business-wise, my expertise only covers to satisfy the best of our internet and tv services. I have great hopes that everything still fall into their right places in terms of you finding the right work opportunities sir.”

(mute, sabay muk-mok sa katabi) “Nyetang to tumawag lang para isisi sa’kin yung karalitaan nya sa buhay, sinisi ko ba sya nung nabaha kami, hinde naman di ba?” =))

————————————————————————————

Minsan mas mahal pa yung tuition mo kesa sa sweldo mo pagka-graduate. Investment daw ang edukasyon, pero sa bansa naten… marami ang nalulugi! Yung tipong di mo na ma-pronounce yung course mo sa sobrang teknikal at tipong wala sa webster at akala mong yayaman ka na agad pagka-graduate mo, pero huli na nang mapag-tanto mo na nasa Pinas ka nga pala at walang pera sa bayolohiya.

Under-employed ba tawag ‘pag mismatched yung course mo sa trabaho mo?.. hinde rin.. tawag dun..DISKARTE. Hinde porke’t nasa call center wala nang narating sa buhay, kelangan ba adik-adik na agad pag nandun, di ba pedeng nag-hahanap muna ng mas magandang oportunidad?

————————————————————————————

cvgSinubok tayo ng trabahong ito.
Dito na’ko nag-celebrate ng maka-ilang bithdays, Christmas, New year, Valentines at dito narin ako nag-puberty. =))

Higit sa lugar, trabaho, mga imported na kausap sa telepono.. mas hahanap-hanapin mo yung mga taong naging parte ng pagpu-puyat mo gabi-gabi.
Pero kahit ganu man pinag-buhol ang kalikaw ng bituka nyo…
wala paring tatalo sa luwalhati ng pagreretiro.

Tayo parin magkikita-kita sa finals! Yeah!
(lakas maka-PBA. hahaha) ——-> (dedicated para sa mga nakalimutang bayani na ginagawang araw ang gabi at kung minsan eh tampulan ng stereotyping ng mga taong-tabon na mababa ang pagtingin sa mga taong nagsa-sakripisyo sa Call Center. =)

-JMDC

About this Blog

Lost in Translation Part I (Buhay Call Center)

Taliwas sa paniniwala ng mga taong-Tabon, hinde lang puro durugista at mga under-grads na walang pangarap ang sumasabak sa pag-a-apply sa BPO oh Call Center at lalong hinde “chicken feed” ang proseso upang maka-pasok sa industriyang ito. Gaano kahirap? Parang gan’to…..

November 06 , 2010 12:28 AM

—————————————————————————————————–

*My first day funk (Outbound interview)

Setting : Final Interview (panel) 3 years ago sa Isang lib-lib na kumpanya sa sulok ng Ortigas Center na ngayon’y nagunaw na.

—————————————————————————————————–

*** Interview Session Starts Now ***

HR Officer : “what’s your favorite color in the rainbow?”

ME : ” Uhhmmm… My favorite color in the rainbow is Red! ” (smiling face…thinking na sobrang sisiw ng tanung)

HR Officer : “ok! so , if i’m a blind person since birth… how would you describe to me the Red color ?”

ME : (pinag pawisan kahit airconned yung cubicle. Parang may mga maiitim na ulap na biglang bumalot sa paligid ko. Tipong iniisip ko nalang na sana mag brown-out, mag delubyo, bumuka ang lupa at matapos na ang interview.) “Uhhmmm… ifff..you’re..a.. blind person since birth..i’ll ..uhhhmmm..(lunok ng laway).. i’ll tell you to.. (punas pawis).. feel your heart (sabay lagay ng kamay sa dib dib ..parang kakanta ng pambansang awit) … and i’ll tell you that what you are feeling pumping inside it is your heart that contains gallons of blood covered by red color , (brain cells activate!!!!) so intensed that such red fluid flows vividly through out your body making you exist now.” (ex-hale.. lunok laway..punas pawis)

(Nu’n ko lang naisip na wala ng ibang paraan para ilarawan ang kulay other than seeing it. Since kulay nga sya..di mo sya pedeng malasahan, mahawakan, maamoy, madama etc. unless makita mo s’ya. At pa’nu mo ide-describe ang kulay sa taong di pa nakakita ng kulay sa buong buhay n’ya at walang kakayahang makita yun?…ang nasabi ko nalang sa sarili ko ng mga panahong yun..”Nyeta! anu ba ‘tong pinasok ko?!” hahaha)s

HR Officer : (taas kilay) .. “well said!” (lumingon sa katabi kong kakumpetensya sa posisyon). “So, you’ve been into telemarketing before?”

Salbakutang Applicant : “yes ma’am” (taas noo)

HR Officer : “Ok, that’s nice. So, if i’m a nun who’s too dogmatic to my religious belief, how would you convince me to do breast augmentation?”

Salbakutang Applicant : (nag kulay violet ang mukha) “Well, i’ll tell you to …uhmmm…. (naging heavy violet na ang mukha) so you’re a nun?” (poker face)

HR Officer : “yes i am, for this scenario.”

Salbakutang Applicant : “ah..so you are a nun… well,i’ll tell you that… uhmmm..(kinapa ang sarili nyang breasts) .. that your breast would look better having them resized. that’s it ma’am.”

HR Officer : (umasim ang mukha) “Ok!” (tumingin ulet sakin. syempre na-resurrect ulet ang mga maiitim na ulap sa paligid ko.this time, may kasama ng kulog at kidlat.) “so Jeff, do you smoke?”

Me : “no ma’am.”

HR Officer : “that’s good. but if i’m a lung cancer patient who’s about to die.. how would you convince me to smoke again?”

Me : (feeling ko humiwalay na yung spirito ko sa katawang lupa sa sobrang nerbyos) ….(may moment of silence… tipong naririnig na namin ung hangin na dumadaan sa pagitan ng ilong namin.. parang ultrasonic hearing lang.. ala superman.. at nalaglag ang ball pen sa floor..bumalik kami sa totoong mundo.kinuha ko ang ball pen. may bombilyang biglang nasindihan sa taas ng bunbunan ko.brain cells activate!!!!) ..”Well, let’s say that this pen is a cigarrette.. no .. let me call it medirette.. since this cigar holds medicative properties that it not only lets you savor the deluxe of smoking but heals you from your illness as well, like hitting two birds in one stone. So why not smoke again?!” (parang may mga imaginary audience na nag standing obation sa paligid with matching confetti shower)

HR Officer : (umabot na sa bunbunan ang isang kilay… parang may bell’s palsy lang) “ok. that’s great jeff! so, this would be the last question for both of you.. (di parin inaalis ang tingin sakin.. parang naka-mighty bond).. if there’s only one slot left for the post… would you give it to him or would you take it for yourself?”

(Moment of silence part II. Parang naririnig ko yung back ground music ng Jaws III habang nag-hihintay ang bawat isa ng sagot mula sa’kin)Station ko.

Me : (lumingon muna ko sa kakumpetensyang applikante… slow motion! sakto! nakatingin rin s’ya sakin.. may spark..parang meralco lang… maasim ang mukha nya..tipong nag mumurang sinasabing ayusin mong isasagot mo! aabangan kita sa baba pag di ako natanggap! yuyupiin kita na parang lata ng coke!!! … parang may mga kitchen knife na lumalabas sa mga pupils nya papunta sakin) .. “Well, I’m really eager to get the job but not to such extent that i’ll be stepping on other people’s welfare. I’m sure he also has what it takes to deserve the post but maybe it’s not for me to judge.” (pahumble.. parang may tumubong halo sa ulo ko..instant angel image).

HR Officer : (tumango lang.. lumingon sa katabi ko.. tumaas ang kaliwang kilay..parang kilay ni batman nung kikitilan na nya ng buhay si joker) “how bout you sir?”

Salbakutang Applicant : (lumingon rin sakin.. parang matapobreng kontrabida sa pelikula habang pinapahirapan ung mga dukhang katulong sa storya) “If there’ll be one slot left.. I know ..no, I’m sure.. that having experienced outbound before, I have more edge and skills to get the position.” (nasaktan ako! makirot! parang pigsang nadaplisan ng alcohol. freshly baked kasi ko nun.. call center virgin.. first time to apply. parang gusto kong itaob ung lamesa at sabihing..”sobra ka na wa!!! kung di pa mukhang kamatis yang ilong mo!!!”).

HR Officer : ok. thank you both. wait outside pls, until your names are called.

Prang i.T. Lng.Hehe(umalis kami ng interview cubicle..naghintay sa labas.. hulaan nyo kung sinong natanggap?)

-JMDC

About this Blog